Sunday, 6/22/08 2:30AM @ Off The Grill Timog - Kakatapos lang namin mag unwind ng mga kabarkada ko. Konting inom, madaming pulutan, sobra sa kakatawa at sandamukal na labasan ng sama ng loob. Enjoy naman kami, there is never a dull moment basta isa sa amin ang nagpatawa or humirit. Kahit anong corny ng joke tuloy pa din.
Sunday, 6/22/08 3:00AM @ along Timog - naghahanap kami ng pede tuluyan para magkape, syempre san pa ba "Starbucks!". Malakas na ang hangin noon at medyo umaambon na ng malakas. Pero ok lang, tuloy pa din kami sa pagkuha ng pics sa loob ng coffee shop.
Sunday, 6/22/08 4:00AM @ Starbucks Timog - Pinaalis na kami ni Manong sikyu dahil magliligpit na daw sila. Indi pala 24 hours ang Starbucks dun! buti pa sa Gloria Jeans :) Kumuha kami ng cab para maka-uwi. Sobrang lakas na ng hangin noon. Sa sobrang lakas, halos tangayin na kami habang naglalakad, not to mention ung mga girls na nakita naming nakaskirt tapos tumatakbo sa ulan.
Sunday, 6/22/08 4:20AM @ Cab ni Manong Driver - Dun namin nakilala si Frank, ang bagyong nasa Pilipinas nung mga panahon na un. dun na din namin nalaman na wala na pasok ang mga estudyante ng elementary at highschool sa susunod na lunes.
Sunday, 6/22/08 4:20AM @ kanya kanya namin bahay - nakauwi naman ako ng matiwasay, sana ganun din ang mga kasama ko hehe. pagdating ko sa bahay, nagpalit lang ako ng damit sabay higa sa kama. Medyo nahihilo na dahil sa epekto ng alak.
Sunday, 6/22/08 11:20AM @ sa tapat ng bahay namin - Tanghali na nung nagising ako. Medyo sabog pa din pero nakakayanan naman. Sumilip ako sa bintana namin at eto ang tumambad sa aking harapan.

Bata pa lang ako eh sanay na ko sa baha. Yung bahay ba naman kasi namin eh malapit lang sa tapat ng UST. Parang isang dagat ang espanya basta pumatak na ang ulan. Naalala ko na umaabot hanggang baywang ang tubig sa amin at nagaakyat kami ng gamit sa 2nd floor nung bahay namin dahil lubog sa tubig ang unang palapag.
Katakot takot na bagay ang mararanasan mo sa baha. May dagang lumulutang, sobrang daming ipis na lumalabas sa kung saang sulok ng pader at kung seswertihin ka, may makikita ka pang diaper ng bata na kulay brown. Pero naranasan mo na ba talaga ang lumusong sa baha?
Ika nga nila sa USTE, hindi ka tunay na Tomasino kung hindi ka nakipagsapalaran sa baha. parang initiation rights to ng mga Tomasino bukod pa sa paglakad sa Arch of the Centuries. Isa itong basbas para masabi nila na ikaw ay isang tunay na Tomasino. at dapat mababasa ang iyong damit pang-ilalim para mas epektibo ang basbas.
Isang matagal na problema ng Pilipinas ang baha lalong lalo na sa maynila. "Below sea level" kasi ang maynila kaya laging binabaha. at dahil na rin siguro sa pagiging archipelago natin. Kaya nga hindi uso ang "subway" dito sa atin dahil cguradong mawawalan lang ito ng pakinabang kapag bumaha.
Pero kung ikukumpara mo ang baha dati sa baha ngaun eh mas kokonti na lang ang lugar na binabaha. Kahit papaano naman eh ginagawan ng gobyerno ng paraan para maging maayos ang mga "sewerage system" dito sa atin. Yun nga lang, pabaya lang din tayong mga pinoy dahil sa sobra nating hilig magtapon kung saan saan. Ayun tuloy, yung mga kalat eh bumabara sa mga kanal kaya nagbabaha. So in short, kasalanan natin ito :)Dadating din naman siguro ang panahon na indi na natin mararanasan ang baha. Medyo matatagalan pero kung magtutulungan naman tayo eh posible naman mangyari un.

Di ba? :)
1 reactions:
Di na naten mararanasan ang baha kasi malapet nang maging next Atlantis ang Espana. Wala nang baha kasi lubog na talaga! hehehehe..
Post a Comment